UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG
Ang
Unang Digmaang Pandaigdig o World War I (ang pinaikling WWI
o WW1, na kilala rin sa tawag na First World War, Great
War o "Dakilang Digmaan", War of the Nations o
"Digmaan ng mga Nasyon", at War to End All Wars o
"Digmaan Upang Wakasan ang Lahat ng mga Digmaan") ay isang malawakang
pandaigdigang digmaan na nilahukan ng napakaraming bansa na naganap sa pagitan
ng mga taong 1914 hanggang 1918.
Ang
Unang Digmaang Pandaigdig ay kakikitaan ng mga labanang ginaganap sa mga hukay
o trintsera
(trench warfare) kung saan ginamit ng malawakan ang teknolohiya sa
pagpapaunlad at pagpaparami ng armamento. Ilan sa mga sandatang ginamit sa
digmaan ay ang masinggan,
eroplano, submarino, tangke at ang nakamamatay na nakalalasong
gas. Nilahukan ng mahigit 60 milyong sundalo ang digmaan kung saan
20 milyon sa mga ito ang naitalang namatay kasama na ang mga sibilyan mula sa
40 milyong tala ng mga nasugatan, nawala at nasawi sa digmaan.
Nagdulot
ng malawakang pagbagsak ng industriya ang digmaan sa mga bansang pinangyarihan
at napinsala nito na naging dahilan naman sa isang krisis na tinatawag na Great
Depression noong 1930s. Nagbunsod ito sa pagkawasak ng mga
imperyo ng Alemanya,
Austro-Unggarya
at Ottoman.
Nawalan ng ilang teritoryo ang Alemanya gaya ng Alsace-Lorraine
at ng Polish
Corridor. Nahati naman ang Imperyo ng Austro-Unggarya sa ilang
maliliit na estado gaya ng Czechoslovakia,
Austria,
Unggarya
at napunta ang Transylvania
sa Romania,
Trieste
sa Italya.
Nakamit naman ng Polandiya,
Finland
at mga Estadong
Baltik ng Estonia,
Latvia
at Lithuania
ang kanilang kalayaan mula nang magwakas ang Imperyo ng Rusya
na pinalitan ng dating Unyong
Sobyet. Pinaghati-hatian naman ng Gran
Britanya at Pransya
ang mga teritoryo ng Imperyong Ottoman gayundin din mga kolonya ng Alemanya
sa Aprika
at Pasipiko.
Pinag-isa ang mga estadong Balkan ng Serbia,
Montenegro, Slovenia,
Croatia, Macedonia
at Bosnia-Herzegovina
na tinaguriang Yugoslavia
kasabay sa pagkakatatag ng bansang Turkiya.
Nagsimula
ang digmaan mula sa isang pagbaril sa Bosnia at kalaunan ay nauwi sa mga
alyansa; ang Pwersang
Entente at Sentral.
Ang Pwersang Entente ay kinabibilangan ng Gran
Britanya at ng imperyo, Pransya,
Rusya,
Serbia,
ang Hapon
na lumahok noong Agosto 1914, Italya
na bumaligtad sa Pwersang Sentral noong Abril 1915 at Estados Unidos
noong Abril 1917. Ang Pwersang Sentral sa kabilang banda naman ay binubuo ng Imperyo
ng Alemanya, Austro-Unggarya,
ang Italya bago ito sumapi sa Pwersang Entente, Imperyong
Ottoman noong Oktubre 1914 at Bulgaria
sa sumunod na taon. Ang ilan namang estado sa Europa gaya ng Netherlands,
Switzerland,
Espanya,
Monaco
at mga estadong Scandinavian ay
nanatiling neutral hanggang sa katapus-tapusan ng digmaan.
Karamihan
sa mga labanan ay naganap sa Europa. Ilan sa mga mahahalagang lugar na
pinangyarihan ng digmaan ay ang Bunsurang
Kanluran (Western Front) na matatagpuan sa kahabaan ng timog Belhika,
hilagang Pransya hanggang sa kanlurang Alemanya na nagtatapos sa hilaga ng
Switzerland. Matatagpuan naman sa Rusya at Poland ang Bunsurang
Silangan (Eastern Front), sa hilagang Italya ang Bunsurang
Italyano (Italian Front) at ang Bunsurang Masidonyan (Macedonian Front) sa
rehiyong Balkan. Sa labas naman ng Europa naganap ang mga serye ng mga labanan
sa Gitnang Silangan, Aprika at Asya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento