PEARL HARBOR
Ang Pearl Harbor na kilala sa mga Hawaiiano na Puʻuloa ay isang lagoon na harbor sa isla ng Oʻahu, Hawaiʻi na kanluran ng Honolulu. Ang karamihan ng harbor at palibot na mga lupain ay isang base ng hukbong dagat ng Estados Unidos. Eto rin ang punong-himpilan ng U.S. Pacific Fleet. Ang paglusob sa Pearl Harbor ng Imperyong Hapon noong Disyembre 7, 1941 ang naging mitsa ng pagsali ng Estados Unidos sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Ang pagsalakay sa
Pearl Harbor sa Pearl Harbor, Hawaii, Estados Unidos ang surpresang pagsalakay ng hukbong
pandagat na Imperyal na Hapones laban sa base ng hukbong pandagat ng Estados
Unidos noong umaga nang Disyembre 7,1941. Ang pagsalakay na ito ay nagtulak sa
Estados Unidos na pumasok sa Ikalawang
Digmaang Pandaigdig. Ang pagsalakay ay nilayon upang pigilan ang
U.S. Pacific Fleet sa panghihimasok sa mga aksiyong militar ng Imperyo ng Hapon sa Timog Silangang Asya.
May sabay na pagsalakay ng mga Hapones sa Pilipinas, at sa Imperyong British sa Malaya, Singapore at Hong
Kong.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento