PANGALAWANG DIGMAANG PANGDAIGIDIG
Ang Ikalawang Digmaang
Pandaigdig ay isang pandaigdigang labanan na nagsimula noong Hulyo
7, 1937
sa Asya
at Setyembre
1, 1939
sa Europa.
Natapos ito hanggang 1945,
at nasangkot ang karamihan ng mga bansa sa daigdig at bawat kontinente na may naninirahan. Di pormal na
kinikilala na lahat ng bansa na lumahok sa Unang Digmaang
Pandaigdig ay nasangkot sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Tinuturing
ito na pinakamalawak, pinakamahal at pinakamadugong labanan sa kasaysayan ng sangkatauhan.Maaalalang ang
mga bansang lumahok sa digmaan ay nagbuhos ng napakaraming pwersang militar
upang lupigin ang bawat panig. Nagsimula ito sa mga bansang Europeo. Nang
malagay sa pamumunong militar ni Adolf Hitler ang bansang Aleman, naglunsad
ito ng mga programang pang-isport sa mga mamamayan upang kunin ang suportang
moral ng mga ito na siya namang ginamit niya upang palawigin ang hukbong
sandatahan nito. Sunod-sunod ang mga pakikipag-ugnayan niya sa mga karatig
bansa partikular ang bansang Italya na nasa ilalim ng pamumuno ni Benito
Mussolini sa ilalim ng Batas Militar.
Nag-siklab rin ang digmaan sa
Pilipinas. Dulot ito ng pagsabog ng Pearl Harbor sa Hawaii, Malaya (Malaysia at
Singapore sa ngayon),at iba pa. Inutos ni Franklin D. Roosevelt ang pagsama ng Amerika
sa digmaan. Ang Pamahalaang Komonwelt ni Manuel L. Quezon
ay inilikas sa Malinta Tunnel sa Corregidor. Nilisan nina Quezon at MacArthur
ang Pilipinas, si Quezon sa Amerika; para ilikas ang Komonwelt, pati na rin ang
kanyang gabinet at pamilya, habang si MacArthur ay pumunta sa Australia. Sumuko
ang mga sundalo sa Bataan, at ito ang puno't dahilan ng Martsa ng Kamatayan.
Naglakad ang mga sundalong Pilipino at Amerikano mula sa Mariveles, Bataan
papuntang Capas, Tarlac.
Marami pa ang nangyari.
Noong Oktubre 20, 1944, Bumalik
si heneral Douglas MacArthur
at mga kasamahan ni dating pangulong Sergio
Osmena, heneral Basilio J. Valdes,
brigidyer heneral Carlos P. Romulo
ng Sandatahang
Lakas ng Pilipinas at si heneral Richard H. Sutherland ng Hukbong Katihan ng Estados Unidos ay ang
dumaong ng puwersang Amerikano sa Palo, Leyte. At nagsimula ng Pagpapalaya ng
bansang Pilipinas sa pagitan
ng pagsamahin na mga tropang Pilipino at Amerikano kabilang ang mga kumilalang
pangkat ng mga gerilya noong 1944 hanggang 1945 at ang pagsalakay ng puwersang
Hapones. Noong Setyembre 2, 1945, sumuko si heneral Tomoyuki
Yamashita sa mga tropang Pilipino at Amerikano sa Kiangan, Ifugao
sa Hilagang Luzon.
Noong Abril 16, 1945, pumasok
ang mga sundalong Sobyet sa lungsod ng Berlin,
matatagpuan sa kabiserang lungsod ng Alemanyang
Nazi ay lumaban sa mga sundalong Aleman ay sinira ito at nagwasak ng
lungsod at may hihigit sa 600,000 sundalong Aleman at mga sibilyan ang namatay
at nasugatan sa mga kawal ng pulang Sobyet. Noong Mayo 8, 1945, Ang pagkatalo
ng mga Alemanyang Nazi at ang pagsuko sa pwersang Kakampi.
Natapos lamang ang digmaan sa
buong mundo pagkatapos ng pagpirma ng pagsuko ng mga sundalong Hapon sa
sundalong Amerikano, pagkatapos ng pagbobomba sa Hiroshima at Nagasaki, noong
Setyembre 2, 1945, sa Tokyo Bay, Hapon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento